|
Magandang umaga ho sa inyong lahat. Wala ho akong boses [pero] hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi dumalo dito sa testimonial [at magsalita] para sa ating kaibigang P. O. Domingo. Ang masasabi ko lang ho: Sayang na sayang. Sana kung inabot pa ng 2010 dapat ikandidato natin si P. O. Domingo bilang Presidente ng Pilipinas. Hindi lang ho UE ang nagmamalaki na naging Pangulo ng ating Pamantasan. Kaya, it’s being a habit po. Noong Necrological Services sa Mt. Carmel Church, pinilit kong magsalita para maiparamdam sa inyo ang damdamin namin kay P. O. Ngayon na naman ho, hindi na naman ako kasali, baka lumabas e “gate crasher” na ako. Pero sabi nga po, iba na ho ang mga tao ngayon. Ibang-iba doon sa mga kapanahunan ni P. O. Sana as personified by P.O, as what we have heard this morning, it sums up the values, the virtues and attributes of a good, decent man. Sana po ang maging pamana sa atin ni P. O.—to each and everyone of us, from the different Presidents, to the Trustees, members of the faculty, sa mga anak at kamag-anak, mga mag-aaral—sana po ipagpatuloy natin ’yong ipinakita ni P. O. na dapat maging uliran na mamamayan. Siya po ay walang pagkukunwari, walang pagbabalat-kayo. Lahat ng ginawa niya, lahat ng kilos niya, nanggaling sa puso, sa damdamin, sa kanyang isipan. All the things we have treasured, we have cherished, and that were taught to us when we were little kids, should be emulated in the personification of what P. O. Domingo was and is. And I will say that though he bade us farewell, his teachings will live on forever for each and every alumnus and all those whose lives were touched by him. And to the children, you are very fortunate to have had a father like P. O. Domingo. Thank you.
|
