Kasabay ng kamakailang pagtatanghal ng aming dula na “Itong Daigdig, Sa Kaniyang Dulang Astig,” ipinakita nito na ang buhay, bagama’t isang maikling palabas, ay may paghatol mula sa nakatataas na naaayon sa iyong naging landas.
Kaya sa araw na ito, muling balikan natin ang ating mga napagdaanan bilang mga tagahanga at nagmamahal sa teatro. Ang entablado na nagsilbing tahanan at ang mga kuwento na nagbigay-buhay sa ating diwa bilang isang komunidad. Kung nasaan man tayo ngayon sa daigdig, baon natin ang kaalaman, kahusayan, at disiplina na itinuro ng tanghalan. Kaya, anuman ang panghuhusga, patuloy pa rin tayo sa pagpapayabong ng ating mahal na sining.
Muli, ang UE Drama Company ay nakikiisa at bumabati ng isang maligayang World Theater Day sa aming kapuwa manlilikha, tagapagtaguyod, at sumusuporta sa Sining Tanghalan!
#WorldTheaterDay
#UEDramaCompany
#UEDCReframe
#UEDCDulangAstig
#ArtistaNgSilangan